Salarin

Salarin



Hi, ako si Marvie at napasyal ka sa aking website.

Me, Myself and I enjoying the sun.

Masasabi kong isa akong frustrated writer at composer dahil mahilig akong magsulat at bumuo ng mga awitin ngunit palaging nagdadalawang isip na ibahagi ito sa iba.
Ngunit sa ngayon mas pinipili ko nang mabasa ng iba ang aking mga sinusulat at mapakinggan ang aking mga awitin. 

Isa sa pangarap ko ay magkaroon ng website kaya nga ako gumawa noon ng blog ngunit dahil sa kakulangan sa kaalaman sa pagbuo nito, binigyan ko na lamang ng oras ang mga blog na ginawa ko noon. 

At ngayon nga, isang ganap na katuparan sa pangarap ko lamang dati ang pagkakaroon ng website na ito.

Kauna-unahang pagkakataong napabilang ang aking sinulat na Dagli sa isang antolohiyang binuo at binuong aklat.


Marami rin akong kinawiwilihang gawin tulad ng panonood (pelikula, serye at anime), pagbabasa, at pakikinig ng musika. Kaya naman ang isa sa mga blog ko na sampung taon 
na pumapalaot sa digital world ay naglalaman ng mga rebyu 
tungkol sa mga pelikula at serye. Samantalang 'yung isa naman 
ay naglalaman ng mga bagay na sumasagi sa aking isipan. 



Sampung taon na ang blog na ito at sa katagalan
dumating din sa punto na di ko na na-update.
Narito ang link kung balak ninyong bisitahin: sassymovieslovelyseries


Ito rin ay sampung taon na. Naglalaman ng kung ano-ano lang. Mga katha at iba pa.
Kung nais ninyong pasyalan narito ang link: isipbataparin

Ninanais kong magkaroon ng lugar upang makapagpahayag
at makapagkuwento ng iba't ibang pangyayari sa buhay, mapa-personal man o hindi.

Mas pinili ko ring magpaskil gamit ang Filipino kaysa Ingles dahil sa
mas palagay akong magpahayag sa sarili nating wika.

Isa pa, nais kong makatulong sa pagpapanatiling buhay ng ating wika.

Nawa ay maging kalugod-lugod sa inyo ang paglalakbay sa aking mga hinabing salita.

Masaya ako na kayo ay napasyal sa mundo kong ito.

Sana palagian ninyong pasyalan ang aking mundo.😁

(*^_^) Marvie







1 komento:

×

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow Me