Hello, 2023!

Hello, 2023!




Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat!

Nagpaalam na tayo sa taong 2022 at sinalubong na 2023. 

Panibagong taon, panibagong pag-asa…panibagong kabanata ang nagbubukas para sa atin. 

Nawa ay maging maganda ang taong ito para sa ating lahat…
Magkaroon ng kasagutan ang mga tanong…
Masolusyunan ang mga suliranin….
Maghilom ang mga sugat…
Mas maging matatag sa mga panibagong hamon ng buhay na ibibigay ng taong ito sa ating lahat.

Mas piliin nating na maging masaya sa kabila ng mga pagsubok na darating…
Mas piliin pa ring magmahal kahit nasaktan…
Mas piliin pa ring mabuhay kahit nawalan.

Piliin pa rin nating magpatuloy kahit pa hindi naging maganda ang nakaraang taon sa atin. 
Marami pa tayong bubuksang chapter sa buhay natin kaya kailangan nating maging matapang na harapin ang panibagong taon ito. 

Happy New Year muli! (*^_^)




Walang komento:

×

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me