Hello 2022!

Hello 2022!




Bagong taon na... magbabago na kaya ako? Makapagpapaskil na kaya ako? Makapagsusulat na kaya ako ng matino? Magagawa at matatapos ko na ba ang matagal ko nang sinimulan? 

Sa totoo lang, marami akong tanong na ako rin naman ang makasasagot. 

Kaya naman napag-isip-isip kong ngayong 2022, dapat na yatang bigyan ko ng panahon ang mga dapat kong gawin at mga binabalak kong gawin.

Ito ngayon ang ilan sa mga gusto kong magawa ngayong taon...basta huwag lang eepal ang katamaran ko:

  • Maisulat ko na mga gusto kong isulat dahil maraming pagkakataong pagpikit ko ng aking mga mata bigla na lang may kung anong-anong ideyang pumapasok sa aking isipan hanggang hindi na ako makatulog. 
  • Matapos ko na ang matagal ko nang pinatulog na thesis. Period. 
  • Maging aktibong sa pagpapaskil dito sa aking blog. Nagbabayad ako pero ang tamad ko. (Jusko lang!)
  • Sapian ako ng kasipagan sa buong taon na ito.
  • Makapag-bike ulit.
  • Makapag-stroll nang madalas sa nature.
  • Masayang bonding sa family and friends.
  • Basa mode. Makabili ng mga books na gusto ko.
Hindi naman ito new year resulotion. Isa lang itong paalala sa sarili ko na marami akong gustong gawin kaya dapat hindi ako tinatamad. At dahil ginusto ko ito dapat panindigan ko, di ba nga?


Happy New Year everyone! 
Sana maging malusog at ligtas tayo ngayong taon.





Walang komento:

×

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow Me