High school feels sa Upuan MV

High school feels sa Upuan MV


 



Ang tanging hangad ko lang
Sa t'wing nangangalay ka na
Ay gaya ng upuan
Sa akin ka magpahinga

I loved that line from Ben and Ben's song Upuan. Gusto ko ang vibe at melody nung kanta. Nagustuhan ko talaga ito at mas na-excite ako noong ibalita na ang DonBelle ang kasama sa music video nito.  At dahil silent fan ako ng DonBelle, super abangers ako sa premiere ng music video (para mag-streaming). 😊😍😁 







Napaka-nostalgic ng music video ng Upuan. It giving me the feels of my high school days. Bigla kong na-miss 'yung mga eksena sa classroom kapag wala pang teacher o kaya break time. Naroon ang asaran at kulitan...mga simpleng sulyap o kaya tuksuhan na litaw sa video.





Sa music video, naisalaysay ang kuwento ng isang tipikal na torpeng lalaki (Donny Pangilinan) na hindi makalapit sa crush niya pero noong maipakita ang POV ng babae (Belle Mariano), pareho lang pala sila. Ito ang bahaging gustong-gusto ko. Ang twist na hindi lang pala 'yung lalaki ang may pagtingin kundi ganoon din 'yung babae. Nakatulong ang pagiging natural ng pag-arte ng DonBelle. I loved how their eyes speak of their feelings.  








Nakangiti lang ako sa kabuuan ng panonood ko sa bidyo at tuwing uulitin kong panoorin same feeling. Same kilig. At mataas ang antas ng kilig ko bagaman walang salitaan madarama ang emosyon sa mga mata ng mga gumanap sa vido. Mahusay ang pagkakabuo ng kuwento sa MV na bumagay sa lyrics ng kanta.





Tulad ng iba, umaasa ako na mas higit pa roon ang laman nito (medyo bitin kasi) pero sumapat naman lahat ng mga pangyayaring ipinakita dito. Masasabi kong nagaganap naman talaga ang mga ganyang eksena sa atin noon sa klasrum. At malamang dumaan tayo lahat sa bahaging hanggang sulyap lang ang kaya nating gawin sa mga crush natin unless gumawa ng paraan ang mga atribidang kaibigan natin o kaya naman magkalakas ng loob ang mga lalaki na lumapit sa mga babae. Awww...those were high school day feels talaga.




I've waited for a month to post this. Gusto ko lang munang paulit-ulit na maramdaman yung pakiramdam habang pinapanood 'yung music video. At tulad ng nasabi ko na same feeling and kilig na para bang first time ko lang itong panoorin. Ang husay ng pagkakabuo ng lyrics at melody ng Upuan ganoon din ang music video. 😊💓❤ (*^_^)


Photos were screencap from the MV.








2 komento:

×

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow Me