Maligayang Pasko!

Maligayang Pasko!

Sa kabila ng mga kaganapan sa paligid natin tuloy pa rin ang Pasko. 
Patuloy pa rin nating inaalala ang pagsilang sa ating tagapagligtas. 
Patuloy pa rin tayong nagbibigay ng pagpapahalaga sapagkat siya ay isinilang. 

Paborito ko ang panahon ng kapaskuhan. Masaya kasi sa pakiramdam. Maraming mga pailaw sa paligid. Abala ang mga tao sa pagbili ng mga pandekorasyon at mga panregalo. Nakatutuwa ring marinig ang mga awiting pamasko sa radyo at ito rin ang panahon na hinihintay ng lahat para magkasama-sama ang mga magkakapamilya. Nariyan ang pagsisimba ng magkakasama. Magkakainan at sabay-sabay na pagbubukas ng mga regalo. Masaya lang kahit na sa panahon ng pandemya. Kapansin-pansin pa rin ang pag-aatubili ng mga tao sa pamimili ng mga regalo, pandekorasyon at maging mga panghanda sa noche buena. Tuloy pa rin ang Pasko. Tuloy pa rin ang saya. 


Kaya naman nais ko kayong batiin ng Maligayang Pasko!

Walang komento:

×

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow Me