Paano magpaalam sa kalungkutan?

Paano magpaalam sa kalungkutan?




Paano magpaalam sa kalungkutan?
Kapag ba huminto na ang hikbi?
Kapag ba natutuhan muling ngumiti?
Kapag ba nakalimutan na ang sakit?
Kapag ba naibaling na sa iba ang pagtingin?

Paano nga ba magpaalam sa kalungkutan?
Kapag ba hindi na makaalala?
Kapag ba naitapon ang mga alaala?
Kapag ba taas noo nang nakalalakad?
Kapag ba buo na ang pakiramdam?

Paano ba tatakasan ang kalungkutan?
Kapag ba nagsimulang lumayo?
Kapag ba nagsimulang tumakbo?
Kapag ba nagsimulang pumadyak?
Kapag ba nagsimulang umakyat?

Paano ba magiging masaya?
Kapag ba maraming naka-imbak?
Kapag ba maraming ganap?
Kapag ba maraming kaibigan?
Kapag ba nasa iyo na ang lahat?

Paano ba maging totoo?
Kapag ba nasabi mong masaya ka na?
kapag ba nagagawa mo na lahat?
kapag ba alam mo na ang gusto mo?
Kapag ba hindi na takot harapin ang totoo?
-Marvie-



Walang komento:

×

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow Me