Kuwento ko lang, May website ako!

Kuwento ko lang, May website ako!

Anong meron?


Hayaan n'yo muna akong magkuwento. Hindi na naman bago sa akin na magkaroon ng isang blog dahil sampung taon na ang nakalipas nang magsimula akong gumawa nito. Hindi lang isa o dalawang blog ang nagawa ko dahil gumawa ako ng iba't ibang blog para sa iba't ibang hilig ko o kaya pangangailangan. May tungkol sa mga pelikula at serye, mga pangkaraniwang pangyayari sa araw-araw, pasyalan ng mga mag-aaral, diyaryo at nobela. Sa lahat nang iyan, sa dalawa lang ako nagpokus. Ito ang isipbataparin at sassymovieslovelyseries

Ito ang mga blog na ginawa ko noon na hindi ko na nagawang i-update ng madalas,
ang ending tinamad na ako.


Sa dalawang blog na ito ako naging abala noon.
Ito ang takbuhan ko kapag gusto kong tumakas sa totoong mundo.

At dahil sa mga blog na ito, pinangarap kong gumawa ng isang website na maglalaman ng iba't ibang mga paksa, kuwento at mga hilig ko. Personal na website na maaari kong ibahagi sa iba... sa inyo sapagkat mahilig akong magsulat ngunit hindi ko tiyak kung mahusay ba akong magsulat (walang tiwala sa sarili 😁).

Sa araw na ito, opisyal kong inilulunsad ang aking website bilang pag-alala na rin sa kaarawan ng aking ama. Siguro kung nabubuhay pa siya, aabangan niya ito sapagkat mahilig siyang magbasa at siya ang number 1 fan ko. Naniniwala siya sa mga kakayahan ko at iyon ang isang rason kung bakit may isang ako sa ngayon. 

Naging posible rin ito sa tulong ng isang kaibigan na napaka-supportive. Nauna na siyang gumawa ng website (ito ang link kung gusto ninyong pasyalan). Siya ang nagturo ng mga dapat kong gawin at kung saan makakukuha ng murang domain. Ito ay hosted ng Z.Com at sa Berenica Designs ng Etsy ko naman nakuha ang theme batay na rin sa payo niya. At iyon na nga, nakagawa ako ng website sa murang halaga. Kaya kung nais niyo ring gumawa, sulit sa site na 'yan. 

Ano bang makikita ninyo sa site na ito?

Mapapansin sa itaas ang anim na salita, ito ang mga sumusunod:

  • Pinto - ito ang homepage. Ito ang bubungad sa inyo sa pagpasyal sa site na  ito.
  • Salarin - naglalaman ito ng maikling pagpapakilala tungkol sa aking sarili.
  • Blog - matatagpuan rito ang lahat ng mga post o paskil at ito ang pinakabumubuo sa website na ito.
  • Katha - hindi man ako sanay mag-brag ng mga gawa ko pero sige... mababasa riyan ang tungkol sa mga naisulat ko. 
  • Tagpuan - mga tags ito sa mga paskil ko tungkol sa iba't ibang paksa na karaniwang naisusulat ko tungkol sa mga pang-araw-araw na pangyayari. 
  • Paborito - tags rin ito subalit tungkol sa mga kinawiwilihan kong mga palabas, musika, at aklat.
Nawa'y maging bahagi ng inyong paglalakbay sa mundong digital ang madalas na pagpasyal sa aking pook-sapot. 


-Marvie-



4 (na) komento:

  1. Napakahusay po...nakaaaliw basahin at tunay na nagpamalas po kayo ng talento sa pagsulat gayundin sa pagbibigay-aliw sa mga mambabasa...ipinagmamalaki ko po kayo! Congrats po ma'am marvie....😍🥰🤩

    TumugonBurahin
  2. Binabati kita Sis Marvz! Ipagpatuloy mo lng ang iyong hilig sa pagsusulat at alam kong malayo ang mararating mo. God bless sis, :-)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Maraming salamat Sis Meg. Touch naman si ako. 😊

      Burahin

×

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow Me