Para sa iyo ito, Ateng!

Para sa iyo ito, Ateng!

Bigla kong na-miss ang ateng ko doon sa malayo. 

Naalala kong muli ang una naming pagkikita, na tila na-culture shock siya sa mga sinabi ko tungkol sa mga kakaharapin niya. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. Para bang nagtatanong siya sa sarili kung tama ba ang naging desisyon niya sa buhay. Nakangiti ko naman siyang in-orient, kaya sa palagay ko magaan naman ang pagkakasabi ko at winelcome ko naman siya nang buong puso sa aming departamento.

Subalit sa naging reaksyon niya, inakala kong hindi na siya magtutuloy. Ngunit nagkamali ako sapagkat palaban naman pala siya. Kinaya niya ang unang taon at lumitaw ang kanyang kahusayan sa pagtuturo. Sa katagalan, hindi lang siya naging katrabaho kundi naging malapit na kaibigan din. 

Ang aming pagkakaibigan ay tila matagal na kaming magkakilala. Hindi kami nauubusan ng pagkukuwentuhan. Nariyan ang tungkol sa pamilya, gawain, insecurities, mga pangarap sa buhay, usaping pag-ibig at marami pang iba. 

May pinag-uusapan kami na kami lamang ang nagkakaunawaan at may mga pagkakataong humahalakhak na lamang kami sa mga joke na kami lang ang nakakaalam ng dahilan. Masarap siyang kasama ngunit may kamalditahan ding taglay. Masuri sa pamimili ng mga gamit at fashionista rin. Sa trabaho naman, talagang makikita ang kahusayan at sipag sa ginagawa. Mahusay siyang guro. Mahusay  at mabuti rin siyang maybahay at ina sa kanyang mga anak.

Sa ngayon, nasa malayo na siya sapagkat lumipat na siya malapit sa kanyang bahay. Malungkot man, alam ko na mas mainam ang desisyong ginawa niya. Mas makakatipid siya at mas magkakaroon ng oras para sa kanyang pamilya. 

Nagkayayaan pa kaming mag-aral at naging magkaklase. Isa rin iyon sa mga naging masayang pagsasama namin tuwing Sabado. Nagkukulitan at nagkakayayaang kumain sa labas bago umuwi. May mga pagkakataong ako ang mag-e-enroll sa kanya o kaya naman ako ang i-e-enroll niya. Sa ganoon namin pinagsaluhan ang aming graduate school. Hindi man kami nagkasabay sa pagtatapos ng pag-aaral, patuloy pa rin naman ang pagsuporta namin sa isa't isa. 

Naalala ko siya sapagkat espesyal ang araw na ito.  At bigla ko rin siyang na-miss. Nakaka-miss ang mga huntahan at tsikahan namin. Ang mga pagkain sa labas at ilang mga gala sa malapit. 

 Kaya naman mula sa kaibuturan ng aking puso, isang pagbati ang alay ko sa iyo.

MALIGAYANG KAARAWAN!!!
Nawa'y mapasaiyo ang lahat ng hangarin ng iyong puso. Mapuno ng kaligayahan at mabusog sa pagmamahal. :)

Sino ka d'yan? Gandara!

miss you overload! (*^_^)

Walang komento:

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me