Isang taon na naman ang natapos at narito na tayong muli para sa panibagong taon.
Muli na naman tayong magbabalak ng mga bagay na nais nating gawin, makamit, mabago, at iba pang mga bagay na pinapangarap natin. Umaasa tayo na magkaroon ng katuparan ang mga ito at muling magsusumikap na maging mas magaan ang pamumuhay sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
Sa nagdaang taon, ipagpasalamat natin ang lahat ng ating mga nakamit, maganda man o hindi, mga karanasan nagpatibay sa atin. Ipagpasalamat nating tayo ay nagpapatuloy sa buhay, nananatiling humihinga, nagkakaroon ng pagkakataong baguhin ang ihip ng hangin sa kung nasaan man tayo ngayon upang mas maging maalwan at magaan ang buhay.
Kaya naman, ngayong taon ay magpatuloy tayong lumaban sa buhay. Magpatuloy na abutin ang mga pangarap, sikaping makamtan ang mga mithiin, magawa ang matagal nang binabalik at mga iniisip, mabili ang mga materyal na bagay, at higit sa lahat makamit nawa natin ang kapanatagan ng puso't isipan.
Para sa ninanais ng ating mga puso't isipan,
MALIGAYA, MAALWAN, MAPAGPALAYANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT!
Nawa ay magawa at makamit natin ang ating mga mithiin ngayong taon sa tulong na rin ng ating Poong Maykapal! (*^_^)


Walang komento: