Isa siguro sa palagi kong ikinagugulat ang mga draft ng mga sinusulat ko sa kung saan-saang mga notebook o papel. At eto nga ang isa sa natagpuan ko. Naisulat ko noong July 17, 2014. Ito 'yung mga panahong gusto kong magsulat sa Wattpad pero takot sa mga nangongopya kaya hindi ko na itinuloy. At isang tula at ang nobelang isinulat noong kolehiyo lamang ang nakapaskil sa aking account.
Nakita ko siyang muli matapos ang halos apat na taon. Parang hindi siya nagbago. Mahaba pa rin ang kanyang buhok, nawawala pa rin ang mata kapag tumatawa at palabiro pa rin.
Siya si Eula.
Dahil sa pagkakataong nakadaupang palad siyang muli ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa na siya ay lapitan at kausapin.
Kumusta ka na, Eula? nakangiting bati ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin na nakakunot noo. Matagal. Parang hinahagilap niya sa kanyang isipan ang pag-alala sa akin. Tila tinatanong sa kanyang sarili kung sino ako? Siguro dahil naiinip akong maalala niya ako kaya nagpakilala na ako.
Di mo na ako natatandaan? Ako si Eric. sabi ko.
Erik?!? Pasensya na parang di kita maalala. Saan ba tayo unang nagkita? medyo nag-aalinlangan siyang tumingin sa akin.
We met at Wendy's. sagot ko...medyo frustrated. Gan'on pala 'yung pakiramdam nang hindi matandaan.
Oh! Are you Eric the loner? sabi niya sabay ngiti.
O - o. di ko siguradong sagot dahil nakaramdam ako ng hiya.
Wow, is that really you? sabay lapit sa akin at kinurot ang pisngi ko na lagi niyang ginagawa noon sa akin. She's still the same.
Ikaw nga si Eric. Eric Tuazon, tama ba? Kamusta ka na? Ang tagal nating di nagkita, ah? At mukhang hindi ka na loner. sabi niya sabay ngiti.
That smile is really something. Bakit hindi ko 'yun makita sa iba?
Ako nga ito. Okay-okay naman. Ikaw, ayos ka naman ba? S'an ka na nagta-trabaho?
Ayos lang din naman ako, still beautiful... sabay tawa... mmm trabaho? Wala. nakangiti pa rin nitong sagot.
May kasama ka ba? tanong ko.
Ah, oo. 'Yung asawa ko. Nand'on pa siya, eh. Halika papakilala kita. sabay hatak sa akin. Napasunod naman ako.
Honey, halika. Eto nga pala si Eric. Eric Tuazon. Friend ko siya. Nagkakilala kami sa Wendy's tapos 'yun pala school mate din kami nung college. Napakaloner nito noon parang ngayon hindi na. Kuwento nito sa asawa habang natatawa sabay harap naman sa akin.
Ah Eric, siya naman ang asawa ko. si Enrique. Enrique this is Eric. Nakakatuwa kasi halos parehas ang name ninyo. At alam mo ba Eric, nakilala ko rin siya sa Wendy's. sabay tawa nito.
Nice to meet you, pre! sabi ng asawa niya at inilahad ang kanyang kamay. Sa pakiwari ko ay mabait naman.
Sa'yo rin. nagkamay kami.
Ayan magkakilala na kayo. Pa'no ba 'yan? Next time na lang ang chika ha. May lalakarin pa kami, eh. I'll get you're number na lang then text kita mamaya para makuha mo number ko. Sabay abot ng celfon n'ya sa akin.
Nilagay ko ang number ko at muling binalik ang telepono sa kanya.
Nice meeting you again. Text text na lang! sabay kaway niya at nagsimula nang maglakad.
Hinatid ko sila ng tingin papalayo. May panghihinayang.
Magkaibigan lang naman kami noon, di ba? Marami na ngang nagbago sa apat na taong di pagkikita.
Mapagbiro rin talaga ang tadhana, sa lugar kung saan maraming tao siya pa ang nakita ko. Ngunit hindi kami ang itinadhana.#
Ngayong nakita ko itong muli... ituloy ko pa ba? Ano sa palagay n'yo?(*^_^)
Walang komento: