April Fool's Day... sabi nga nila.
Pero ayokong magbiro ngayon.
Gusto ko sanang magsimula dahil unang araw ng buwan.
Gusto ko sanang pasiglahing muli ang aking site dahil napapabayaan ko na naman na talaga.
Ayaw ko namang sukuan kasi sayang naman 'yung effort.
So, anong gagawin?
Hindi ko rin masigurado kung anong gagawin...
Pero heto ako nagpost... pero wala lang din naman sustansya.
Ganoon pa man, hayaan ko na lang kung saan mapunta itong ginagawa ko.
Marami akong gustong gawin...mga pansariling mga balak tungkol sa mga gusto.
Iyon nga lang, para bang kulang ang oras para maisagawa ko ang mga iyon.
Kaya siguro, isa-isa lang muna...kaya lang nakakatawa dahil parang ni isa ay wala akong nasimulan.
Ngayon taon, sinabi ko na sa aking sarili na bubuhayin ko ang aking blog.
Nag-post naman ako pero pangatlo pa lang ito ngayong taon na ito.
Sinabi ko rin na magsusulat na ulit ako.
Sinubukan ko naman...ayon hindi ko natapos.
Pero ipapaskil ko dito ang mga iyon.
Sinabi ko ring gagawin ko ang thesis ko.
Nag-enrol ako.
Ginawa ko naman...at ayon na nga papalapit na ang pre-oral.
Sinabi ko ring bibigyan ko ng oras ang paggigitara para hindi masayang 'yung binili kong gitara.
Ang kaso, nailaglag ng aking makukulit na pusa ang gitara...nagkaroon ng crack.
At dahil gusto ko ngang maggitara, bumili ako ulit ng bago dahil hindi ko pa maipagawa yung isa.
Sinabi ko ring tuwing manonood ako ng pelikula o magbabasa ng mga binili kong aklat ay gagawa ako ng rebyu.
Sa awa naman ng Diyos, wala pa akong nagagawang rebyu.
Kapag binabalikan ko ang mga ipinangangako ko sa sarili, natatawa na lang ako.
Kailan ko ba talaga masisimulan?
Gusto kong simulan ngayon.
Baka nga masimulan ko na ngayon.
Napansin ko rin naman na may mga nasimulan naman ako sa mga gusto kong gawin.
Masyado lang talagang marami ang gusto kong gawin.
Pero sabi nga, kapag gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan.
Kaya bakit pa ako magdadahilan?
Nasa akin ang tugon sa mga ginugusto kong gawin.
Iyon lang. (*^_^)
Walang komento: