Tatlumpu’t Isang Araw ng Pag-alala

Tatlumpu’t Isang Araw ng Pag-alala


Bago natapos ang taon (2023), nawika ko sa aking sariling magsusulat muli at palagiang mag-a-update ng blog. Madali talagang mangako. At ilang bese ko na bang nasabi iyon pero gusto kong pangatawanang magsusulat ako. 

Isa sa naisip kong gawin ay gumawa ng writing challenge para sa sarili at mapilitan akong magsulat at mag-isip. At natagpuan ko ang pa-challenge ng #8letters na #31Letterschallenge2024. Naenganyo akong sumali. Sabi ko pa, kakayanin ko ito. Pero hindi ko natapos. 

Maraming kasabay na gawain sa trabaho, sa pag-aaral at sa iba pang mga bagay na hindi sumasapat ang oras para magsulat bukod sa may katamaran din naman na hindi ko itatanggi. Pero gusto ko itong tapusin. 

Kaya naman nagpasya akong ipapaskil ko dito ang mga nabuo ko sa bawat araw at baka sakaling makaabot na sa 31 ang aking maibahaging alaala. 

Ituloy ko ba? 

Itutuloy ko siguro...baka sakaling may makabasa at maka-relate. 

Matutuwa ako kung may magko-komentong ituloy ito at tapusin. Sa ngayon, ibabahagi ko muna ang ginawa kong pansamantalang cover page mula sa Canva. 

Salamat agad sa susuporta. 😊

Walang komento:

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me