Tula: Nakahahapo

Tula: Nakahahapo


Nararanasan niyo rin bang manatiling gising sa kabila ng pagnanais nating matulog at magpahinga? Madalas itong mangyari sa akin noon. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mata, at saka maraming pumapasok na kung ano-ano sa aking isipan kung kaya't hindi ako makatulog. Ito ang dahilan kung bakit ko naisulat ang tulang ito. 

Narito ang tulang naisulat ko noong ika-28 ng Pebrero, 2009 sa ganap na 2:55AM. Sa orihinal na kopya nito na nakasulat sa aking dyornal, wala itong pamagat. Ngayon ko pa lamang ito binigyan ng pamagat.


Nakahahapo

Takbo ng isip ko'y kay hirap habulin
Sa kalaliman ng gabi'y kay raming bilin
Hindi malaman kung ito'y mapipigil
Sapagkat patuloy pa rin ang panggigigil.

Sa pagkakahiga'y nagpasyang bumangon
Baka sakaling isipa'y huminahon
Naghahangad na mapawi ang pagod
Subalit sadyang mailap ang paghagod.

Nais ko sana'y mapayapang gabi
At hindi isipang naghuhumikbi
Ngunit paano ang isip ay pigilin
Sa kanyang pagtakbo'y kay hirap habulin.
-Marvie-



* Naibigan mo ba ang aking tula? 
Mag-iwan ng komento kung naibigan ito. 
Paki-follow na rin ang site kong ito. 
Salamat.😊




Walang komento:

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me