Dati rati naririnig ko lang o kaya naman ay nababasa ang tungkol sa mga book fair. At dahil mahilig ako sa libro, nasabi ko sarili kong isang araw mararanasan ko rin ito. Kaya naman, nang aking malaman na magkakaroon ng Philippine Book Festival natuwa ako. Ngunit pangalawang pagkakataon ko itong makadalo sa ganitong event.
Una kong karanasan, ang pagdalo sa Manila International Book Festival na ginanap sa SMX Convention Center MOA, Sept. 15 - 18, 2022. At sobrang pagkamangha ko, hindi ko naisip igawa ng post.
June 4, 2023. Huling araw ng Book Festival. Gusto kong pumunta bagamat may pag-aalinlangan, nagpunta pa rin naman ako at hindi ko naman ito pinagsisihan. Nakakatuwang makita ang iba't ibang uri ng mga babasahin na gawa ng mga kapwa natin Filipino. Iba't ibang genre at mga aklat. May mga pambata, komiks, fiction at non-fiction.
May mga book signing din at iba't ibang mga kaganapan para sa mga bata maging mga panayam sa mga author. Maraminng makikita at madidiskubreng mga aklat at kulang ang isang buong maghapon para mag-ikot at dumalo sa mga event.
At dahil nga may book signing, mahalagang may pambili ng mga aklat o di kaya'y nadala ang mga libro ng author na lalagda dito. Isa sa mga dahilan kung bakit din ginusto kong dumalo dito ay upang makapagpapirma sa author ng Univ Series. Dahil sa naging karanasan sa MIBF, hindi ko na inaasahang makapagpapapirma ako sa kanya. Umaasa lang ako na makikita siya sa malayo kaya di ko na binalak pang dalhin 'yung tatlong libro niya na meron na ako. Ang ending bumili pa ako ng TRIE at Along Espana para makapagpapirma.
May mga kilalang author din na bagaman hindi ako nakapagpapirma ng aklat ay nakapagpakuha naman mga larawan. Isang masayang karanasan ito kasama ang aking unica hija na taga-push sa akin na magpapirma...magpa-picture. Pakiramdam ko, ako ang anak. (Joke!)
Sa huli, ilang aklat na naman ang naatikha ko sa book festival na ito.
Narito ang ilang mga aklat na aming nabili at mga author na nakadaupang palad namin.
Para sa katulad kong natutuwang makadiskubre ng mga bagong aklat at babasahin, nakakatuwang makapunta sa mga ganitong mga ganap sapagkat namo-motivate akong magbasa at ipagpatuloy rin ang pagsusulat. (*^_^)
Walang komento: