Lagaw ta sa Baguio

Lagaw ta sa Baguio


Tara, akyat tayo ng Baguio! 

Nagyayaan. Nagtakda ng petsa…ayon natuloy rin.

Ilang beses na akong nakapunta sa Summer Capital of the Philippines pero hindi ko talaga na-eenjoy dahil hindi naman talaga pamamasyal ang pinunta ko noong mga nakaraan kundi pagdalo sa mga seminar. Kaya limitado lang ang pagkakataong makapag-ikot-ikot at mapuntahan ang mga pasyalan dito. Kaya naman, ginusto at binalak kong muling bumalik dito upang mamasyal lamang. 

Sa dami ng mga gawaing nakapilang gawin at mga paparating pa, minsan kailangan ding maggala para makahinga naman. Kaya kasama ang ilan sa mga katsokaran natuloy ang balak. Umakyat kami ng Baguio sa panahong nag-aalala kami na baka mag-alert level 2.

Nag-avail kami ng 2D1N sa AK8 Travel and Tours last April 30 - May 1. Lima lang kami at ang ibang kasama namin sa van tulad namin ay joiners din galing pa sa ibang lugar. 

Mga 5:39 kami nag-stop over para mag-almusal saka tinahak ang mga nakatakdang puntahan para sa unang araw.

Lions Head


Tatlong beses na akong nakabalik ng Baguio pero ni minsan di ko man lang nasilayan ang leon na ‘yan. Kaya nakakatuwang makita ito. Isa kasi ito sa karaniwang magpapatunay na nakarating talaga sa lugar lalo na kung patok ang larawang mo dito. Nang dumating kami dito, nagdadatingan na ang galing din sa ibang lugar na mamasyal. Kaya naman, kinakailangan pa naming maghintay ng aming pagkakataon para makapagpakuha ng mga larawan. 

Camp John Hay


Isa rin ito sa mga hindi ko pa napupuntahan. Masarap sanang magtagal sa lugar na ito pero dahil nga may mga nakalinya na kaming pupuntahan hindi na namin pa ito na-explore nang husto. Pero na-enjoy naman naming magkukuha ng mga larawan at na-appreciate namin ang mga nagtatayugang Pine tree

Baguio Cathedral


May kinakasal nang dumating kami rito. Sa tatlong beses ko nang pag-akyat dito, pamilyar na sa akin ang simbahang ito. Pero kahit ganoon,  natutuwa pa rin akong pagmasdan ang kabuoan ng istruktura nito. Sa susunod na papasyal akong muli sisiguraduhin kong makakapagsimula ako ng misa at tatapusin ko iyon. At dahil weekend ang ganap naming ito, matao at maraming sasakyan dahil sa mga turista.

Botanical Garden



Ngayon lang din ako nakapunta rito at sobra akong nasiyahan sa mga nakita ko. Bilang nature lover, tuwang-tuwa ako sa iba't ibang uri ng mga bulaklak na iba-iba ang kulay at itsura. Sa palagay ko, palagi ko na itong sasadyain kapag mapapadpad ako ng Baguio. Sana mapanatili ang ganda at kalinisan dito.


The Mansion


Malawak at malaki pala talaga... as in mansyon nga! Hanggang labas lamang ng gate ang mga dumarayo at tatanawin na lamang ang kabuuan ng lugar. Hindi rin bagay na tambayan pero kung lugar na puwede tambayan sa tapat nito ang Wright Park.


Wright Park


Tamang-tama lang na pagkatapos mong tanaw-tanawin ang The Mansion...tumawid at magtungo sa Wright Park. Nakakatuwa lang na dumating kami doon na may event na nagaganap 'yung Cordillera Food Fair. Iba't ibang pangkain ang makikita sa sa mga stall. Mayroon ding mga produkto at mga art exhibit.

Pagkatapos naming mag-ikot-ikot dito kumain muna kami ng tanghalian.

Mines View


Next stop namin ay Mines View at dahil tanghali na, ang dami nang tao. At dahil pampito na ito sa itinerary namin, medyo pagod na kami. In-enjoy na lang namin ang view at binalak sanang magpa-picture sa doggy kaya lang madaming nakapila kaya hindi na natuloy.

The Diplomat Hotel



Sumunod na pinuntahan namin ay ang The Diplomat Hotel. Creepy ang pakiramdam sumabay pa ang fog...hindi ko na inikot pa lugar. Nag-upo na lang kami sa sa isang side at nag-research tungkol sa lugar. Nakalulungkot lang na hindi maganda ang mga pangyayaring naganap sa hotel na ito noon at mas mainam na umusal na lang ng panalangin para sa mga kaluluwa ng mga namayapa na.

Lourdes Grotto at Mirador Eco Park

Ang mga kasama namin sa van.


Nasa iisang lugar lamang ang dalawang ito magkakarugtong. Malawak ang lugar at nakakapagod ikutin.


Ganunpaman, natuwa ako (kami) sa Mirador Eco Park. Para kang papasok sa ibang dimensyon. Sa lawak nito, parang naligaw kami at bumalik lang kami sa kung saan kami pumasok. Ang isa hinahanap namin ay yung Bamboo Grove kaya lang kung hindi namin agad natagpuan hanggang sa napagod na lang kami at lumabas sa kung saan kami pumasok. Mabuti na lang at pinayagan kaming makapasok sa mismong daan patungo doon. Pakiramdam ko nasa eksena ako ng The King: Eternal Mornarch.😊😊😊


Pagkatapos noon, pumunta na kami sa aming tutuluyan. Nagpahinga sandali pagkatapos ay hinatid na kami sa Night Market.

Night Market


Dapat doon muna kami sa Burnham Park pero dahil medyo late na kami nakalabas, madilim na hindi rin gaanong makikita 'yung ganda nung park. Kaya dumiretso na kami sa Night Market. Hinintay namin ang pag-aayos ng mga stall. Isa sa nakakatuwang abangan ay ang paglalatag ng mga paninda sa gitna ng kalsada sa sandaling oras lang. Masarap din sanang magtingin-tingin kaya nga lamang napakaraming tao at ang hirap mag-ikot...ang ending nag-foodtrip na lang.

Gabi na kami nagbalak bumalik sa tinutuluyan namin at ang nakakaloka ang hirap makasakay kaya nagpasya na lang kaming maglakad pabalik gamit ang Google Map. Mabuti na lang din noong nasa kalagitnaan na kami ay may nakita kaming taxi. Tapos ang Day 1.

Kinabukasan (Day 2),  maaga kaming naghanda para sa mga kasunod pang mga destinasyon..

Bell Church




Nakakatuwa rin ang lugar na ito. Maganda ang view...marami ring halaman at para bang nasa Tsina ka dahil sa mga structure ng mga gusali at design dito. Mabilis lang itong ikutin dahil hindi ito kasing lawak ng ibang napuntahan na namin. Picture-picture lang kami at saka nagtungo sa huling pupuntahan.


Stone Kingdom


As in Stone Kingdom nga ito. Kahit saan tumingin yari sa bato. 😁 Malawak din ang lugar na ito at nakakapagod ikutin pero sulit naman ang kung bet magpakuha ng picture pang- Instagram. May mga bahagi pa na ginagawa kaya maaring sa susunod na balik namin (kung babalik pa ba) dito tiyak na may madadagdag. 


Isa pa sana sa pupuntahan namin ay ang Strawberry Farm but unfortunately ang daming tao at sobrang trapik kung kaya nagdire-direcho na kami pauwi.


Masaya naman ang mag-avail ng mga packages 'yung nga lang pagod dahil madaming naka-line up na pupuntahan sa maikling panahon. Pero kung may budget naman at gustong ma-enjoy nang bongga ang Baguio magsariling itinerary na lang kapag papasyal dito.  Marami pang mga lugar pasyalan na hindi namin napuntahan  na maaring iyon naman ang maging target sa susunod na pagbabalak ng gala. (*^_^)

Narito naman ang Vlog na ginawa ni Chincha para sa aming drawing na kinulayan. 



Walang komento:

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me