September na!
Isa lang ang ibig sabihin niyan para sa mga Pilipino… Pasko na. Sabi nga, Pilipinas ang may pinakamahabang celebration ng Pasko. Dahil kapag nagsimula na ang mga buwan na may ‘BER’ tiyak na bubungad na ang mga awiting pamasko…at isa sa mga partikular na awiting patok na patok ay ang Christmas In Our Heart ni Jose Mari Chan.
Magsisimula na ngang sumahimpapawid ang mga awiting pamasko sa mga radio station.
Magsisimula na ring maglagay ng mga dekorasyong pampasko ang mga mall at magiging buhay na buhay ang gabi sa mga pailaw.
Magsisimula na ring mag-general cleaning sa mga bahay-bahay at ilalabas na ang mga nakatagong mga dekorasyon, pailaw at Christmas tree. Ang iba ay bibili ng mga bagong dekorasyon at ibabatay sa napusuang theme.
Dati-rati, pula at berde lang ang kulay na gamitin kapag magpapasko pero sa ngayon marami nang pagpipilian. Dumarami rin ang dekorasyong nabibili hindi tulad noon na pare-pareho lang bawat taon.
May mga naglilista na rin ng mga bibilihing regalo at umaasinta na rin ng mga kagamitang may kaugnayan sa pasko. May mga pagpaplano na ring gagawin para sa paparating na okasyon.
Isa ito sa paborito kong season. Nasisiyahan ako tuwing nararamdaman ko ang pasko lalo na kapag nagbago na ang ihip ng hangin…kapag lumalamig na. Bagaman hindi ko ito masyadong pinaghahandaan gusto ko lang yung pakiramdam na hatid nito sa akin.
AT dahil nga September na… hayaan niyo na ako na unang bumati sa inyo ng “Maligayang Pasko!” (*^_^)
Nagising po akong Christmas Song ang tugtugan sa bahay. 🥰😂
TumugonBurahinNakakatuwa lang, ano? :)
BurahinYes ma'am. Pasko na ulit 🥰
TumugonBurahin