Isa ka bang batang 90's?
Kung isa ka sa mga lumaki sa panahong ito, tiyak na maiibigan mo ang mga t-shirt ng Batang 90s Art. Iba't ibang disenyo ang maari mong pagpilian na magpapaalala ng mga kinawilihan nating mga anime noong kabataan natin.
Anim na taon na mga ito.😊 |
Una kong na-encounter ang shirts nila sa isang cosplay event sa SM Megamall way back 2015 yata di ako masyadong sigurado pero mga ganoong panahon. Sa booth nila, nakabili ako ng dalawang t-shirt Bioman at Shaider ang design at doon nakilala ko ang nasa likod ng Batang 9Tees. Nabanggit niyang may IG account at FB page kaya sinundan ko siya. Siya si Bon Bernardo, isang freelance Illustratior at cover artist.
Ayon sa kanya, sinimulan nila ng kanyang dating kaklase noon sa college ang business na ito. Batang 9Tees ang orihinal na pangalan nito na nagsimula noong 2014 ngunit noong 2017 binago nila ito sa Batang 90s Art. Sa kasalukuyan, ang kanyang fiance na si Kim na ang katuwang niya.
Naitanong ko sa kanya kung bakit 90's ang naisip nilang concept ng kanilang business. Sabi ni Bon "90's kids kami ng dati kong partner sa business, plus we don't see much 90's merch that time online and it's so cool to bring back the nostalgia kahit sa shirt man lang." Makikita nga sa mga disenyo nila ang iba't ibang bagay na magpapaalala ng panahong iyon.
Noon sa mga convention sila nagbebenta ng mga t-shirts at wala pa sa online. Nahinto rin ito dahil sa nagkatrabaho at umalis ang kanyang partner. Nitong July (2021) sila nagsimula muli. Sabi niya, nag-experiment lang muna sila na magprint ng para sa kanila at nag-decide siyang i-post ito sa fb page niya at marami ang nagka-interes.
Ito ang unang nabili ko noong July. 😊 |
Naka-limang order na ako sa kanila. Sa dami ng disenyong pagpipilian tiyak na mapap-order ka ulit lalo na kung fond ka sa mga '90s cartoons at anime. Maganda rin ang mga T-shirt na ginamit nila at iyong mismong print. At dahil 2015 pa ako nakabili sa kanila, masasabi kong matibay dahil hanggang ngayon buhay pa ang mga ito at maganda pa.
Second batch ito, feeling ko kasi couple shirt ito. 😅😅😅 |
Bilang isang batang '90s, nakakatuwang makita gawa nilang disenyo at maisuot ito. Para bang lagi nitong ipinapaalala ang masasayang kaganapan noong kabataan ko. Kaya naman kung gusto ninyong magkaroon ng t-shirt nila pasyalan at i-follow lang ninyo ang kanilang FB Page at IG account.
Narito na rin ang link ng kanilang account para di ka na mahirapan.
FB Page: https://www.facebook.com/batang90sart
Instagram: https://www.instagram.com/batang90sart/
Masasabing isandaang porsyentong lakas ang pagka-astig nito.(*^_^)
Walang komento: