Kubling Kanlungan  sa Tanay

Kubling Kanlungan sa Tanay




Isa ka ba sa mahilig mamasyal sa magagandang tanawin? O kaya naman ay mahilig sa mga kakaibang mga bagay mapa-antique?  Baka naman samu't saring disenyong nagkalat sa iba't ibang materyal? Kung ganito ang hanap mo, baka magustuhan mong pasyalan ang lugar na nadaanan namin. Isang pagkakataon lamang ito upang madiskubre ang lugar na puno ng kasaysayan. Napansin kami ni Kuya nang huminto kami sa tapat ng bahay na para bang nasa gitna ng kawalan. Kinawayan kami ni Kuya at sabay sabing pwede kaming pumasok at i-explore ito.


Agaw-pansin tindig ng istrakturang gawa sa kahoy. Napalilibutan ito ng matatandang kagamitan at luntiang halaman -- tamang balanse ng elemento at kulay na kay lamig sa mata. Ilang beses na namin itong nadaanan. Noon lamang namin napagpasyahang hintuan upang tanawin at tuluyang mamangha sa alindog nito. Hindi lang pala ito simpleng bahay pahingahan. Napakaraming kakaibang bagay ang nakakubli sa loob nito.


At dahil fascinated ako sa mga antique o mga sinaunang mga kagamitan, nabusog ang mata ko sa lugar na ito na para bang ayaw ko nang umalis.

Isa sa mga ikinatuwa ko sa lugar na ito ay ang koleksyon ng mga baul na ginawang disensyo sa dining area. Sa ibang bahagi rin ng bahay may ilan pang makikitang baul. Napamahal ako lugar sapagkat may baul din akong iniingatan mula pa sa lola ko. 


Bukod pa riyan, makikita rin dito ang iba't ibang lumang kasangkapan tulad ng plantsa, tv, makinilya, at marami pang iba. 

Hindi ko naman inasahan ang bigat. Iba pala ito sa plantsang nilalagayan ng uling. 




Kaha ng lumang sasakyan at mga banga.

Lumang sungka, buslo na gawa sa abaca at iba pang kagamitan.

Ito ang makikita sa ikalawang palapag ng bahay. May bintanang gawa sa capiz, lumang turntable, lumang maleta at iba pa.


Hindi naman kalakihan ang lugar pero para sa katulad kong mahilig sa mga simpleng kaligayahan tulad ng mga kakaibang kagamitan, magandang tanawin at malapit sa kalikasan tiyak na magugustuhan ninyong pasyalan ang lugar na ito.



Nakakatuwa ang Kalimbang hawak ko dahil yari ito sa bao.
Marami ring makikitang mga wood  at stone carving sa lugar na ito maging iba't ibang laki ng mga banga, bote at mga lumang poste ng bahay na kahoy.  Nakakatuwa ring makita ang mga lumang gilingang bato na nakadisenyo at nagmukhang tiles




Wala pang isang taon ang bahay na ito. Ayon sa caretaker nito, noong nakaraang taon (2020) lamang ito naitayo at inayos. At dahil mukhang simpleng bakasyunan lamang ito kaya iilan pa lamang ang nakakaalam. Pero maaari ang walk-in dito tulad ng nangyari sa amin dahil wala pa namang naka-schedule ng araw na iyon. Tama ang nabasa mo, puwede kayong magpa-schedule para rentahan ang buong lugar. Narito ang ilang detalye tungkol sa lugar na ito.

Paano pumunta?
  • Mga ilang minuto ito mula sa Cafe Natividad. Wala pa ito sa Waze at sa Google Map naman ay wala pa itong marka.
Magkano?
  • P6000/night (10 katao na iyon)
    • Kasama na rito ang:
      • 3 palapag na bahay 
      • Kagamitan sa pagluluto pati gas (Kayo ang magdadala ng inyong pagkain o kaya ng mga gusto ninyong lutuin.)
      • May pool na sa kasalukuyan ay ginagawa pa.

Masasabi kong kombinasyon ng sining, kalikasan at kasaysayan ang lugar na ito. Papawiin nito ang mga stress mo sa buhay at dadalhin ka nito sa isang masayang karanasan. Hindi man kami handa sa pagpunta rito dahil wala kaming dalang pagkain nabusog naman ang aming mga mata sa dami ng natuklasan dito. 

Kung  gusto ninyong malaman ang iba pang detalye tungkol dito narito ang link ng kanilang fb page ===> I AM bjorq .




Narito ang bidyo ng aming pamamasyal sa lugar na ito. Pa-subscribe na rin.😍😍😍 









Walang komento:

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me