Tula: Doon sa may Punto

Tula: Doon sa may Punto

 



Ang huling tula sa seryeng hindi natapos. Huli sapagkat limang tula dapat ang bubuuin ko ngunit dahil sa mga di maiiwasang pangyayari tatlo lamang ito. At dahil tungkol sa mga lugar ang mga tulang ito, hindi puwedeng hindi ko gawan ang bayang pinagmulan ni #MyLovefromMorong.😊


Sa totoo lang, nakukulangan pa ako sa mga tulang nagawa sapagkat sa palagay ko kinakapos ako sa pahahabi ng mga salita. Ganoon pa man, gusto ko pa rin itong ibahagi. Ibinased ko sa maikling tulang ito ang aking mga nasaksihan at karanasan sa panahon ng paninirahan dito.


Doon sa may Punto
Ni Marvilyn Bon-Mixto

Minsan kong ipinagtaka, punto ng aming guro
Hindi inakalang ako’y mapapadpad
Sa bayan na bumabanggit ng sarok sa ringring.

Hindi napigilang tumawa at matuwa
Sa kanilang punto ako’y napa-huo
Pagpapalit ng letrang R at D ako’y napagaya.

Madilim pa ang paligid, abala na ang lahat
Sa iba't ibang gawain, sa bukid maging sa tahanan
Bago pa mananghali handa ang tanghalian.

Doon nakatikim ng mga putaheng
Ginisang mais, Pinugot, at sinampalukang ayungin
gayundin ang balaw-balaw na patok sa pritong isda.

Malawak na palayan ang maaring masilayan
Kay sarap pagmasdan kung maglalakad-lakad
Kakaway-kaway sa iyo ang mga gintong palayan.

Hindi man ito ang bayang sinilangan
Manirahan dito ay tiyak na panalo
Lalo na kung nais ay simple buhay.#


Ang larawan ay mula sa https://mapio.net/images-p/71118006.jpg. (*^_^)

Walang komento:

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me