Tula: Doon sa Kalyeng Iyon

Tula: Doon sa Kalyeng Iyon

Mabuti at may Google Maps at na-screencap ko ang kalyeng ito.

Ito ang pangalawang tula mula sa serye ng mga tulang magkakaugnay na hindi ko natapos. Nais kong ibahagi sa pamamagitan ng tula ang aking naging karanasan sa iba't ibang lugar na nagdulot ng di malilimutang alaala. Mas minabuti ko rin na ibahagi ang mga ito, bilang pakikiisa sa Buwan ng Panitikan.
 
Ang tatlong kalye na ito ay naging bahagi ng high school life ko. Maraming mga alaala ang naalala ko ngunit isang partikular na ginagawa lamang namin ang iniligay ko sa tula. 



Doon sa Kalyeng Iyon
Ni Marvilyn Bon-Mixto

Araw-araw binabagtas
ang tatlong kalyeng daraanan
makarating lamang sa sakayan.

M. Santos, M.L. Quezon at J. sumulong
Mga kalyeng dinaraanan
Saksi sa makulay na kabataan.

Maghihintayan sa oras ng uwian
Sa katanghaliang tapat
Pipiliing maglakad kasama ang barkada.

Maglalakad na parang nagpaparada
Di iindahin ang gutom na nadarama
Sapagkat sa gotohan ang punta.

Doon sa Jophines magsisitungo
Mag-uunahang umorder ng goto
At saka mag-aambagan sa tokwa’t baboy.

Maghuhuntahan at magtatawanan
Kasabay ng paghigop at pagnguya
Mapaso man walang nagpapahalata.

Pagkatapos ay mamamaybay sa bangketa
Mga mata naman ang bubusugin
Sa iba’t ibang mapang-akit na paninda.

Pagdating sa sangandaan
Hudyat na ng pamamaalam
Na para bang huli nang pagkikita.

Ihahatid ng tingin ang isa’t isa
Ngiting ipinabaon unti-unting matatago
Sabay-sabay na tatalikod at maglalakad.

Ang kalyeng saksi ng aming kabataan
Dala’y alaala ng masasayang karanasan
Na humubog, bumuo sa aming pagkatao.#
(*^_^)


2 komento:

  1. Ang goto ni jophine's, yung plain....
    tapos nalilibre aq s tokwa't baboy...hehehehe....salamat Marvie anf Cathy...🥰

    TumugonBurahin

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me