Pangalawa na!

Pangalawa na!



Sa ikalawang pagkakataon, pinalad na makasama ang aking dalawang dagli sa antolohiyang KALIMBAHIN:MGA DAGLI mula sa 7 Eyes Productions. Naglalaman ito ng mga dagli na isinulat ng mga kababaihan.  Mga babaeng manunulat at ang kanilang kuwento bilang babae.


Ang aking mga Dagli.


Matagal kong hinintay ang pabatid liham tungkol dito at naroon ang pangambang baka hindi mapili ang aking likha. Nasabi ko sa aking sarili na kapag hindi napasama ang aking ginawa ay baka hindi talaga ako marunong magsulat. Baka nakatyamba lang ako noong unang pagkakataon napasama ang sinulat kong dagli para sa antolohiyang Aksyon:Dagli ng Eksenang Buhay. 

Ang maging bahagi ng antolohiyang ito ay labis kong ikinatuwa sapagkat tinitingnan ko itong tugon. Noong ipinasa ko ang aking akda, naglalaro sa isip ko na kapag napili ang isa sa aking ipinasa ibig sabihin ay marunong akong magsulat at kailangan kong magpatuloy. Kaya naman nakakatuwa na dalawang akda ko ang naging bahagi nito. Isa pa, espesyal din ang aklat na ito sapagkat ngayong Marso ito inilunsad, Buwan ng Kababaihan. 

Ang maging bahagi ng mga antolohiya ay ipinagpapasalamat ko sa 7 Eyes Productions at kay G. Rey M. Tamayo Jr.  na nagsasagawa ng mga ganitong aklat para mabigyan ng pagkakataon ang mga tulad kong sumusubok sumulat at makapaglathala ng sariling katha.



Nagpapasalamat din ako sa mga nakasportang kaibigan at kapamilya sa mga nililikha ko. (Speech pala ang paskil kong ito.😊😊😊)

Hayaan niyo na ring hinikayatin ko kayo na suportahan ang mga #IndiePublisher at #IndieWriter. Maari kayong bumili ng mga aklat sa fb page ng 7 Eyes Productions o sa Shopee. (*^_^)




Walang komento:

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me