Tula: Kung Hindi na Pag-ibig

Tula: Kung Hindi na Pag-ibig





Hindi naman ako bitter. 
Ito lang talaga ang naisip ko tungkol sa mga umiibig, naghahanap ng pag-ibig, 
naniniwalang sila'y iniibig. 

*****
Kung Hindi Na Pag-ibig

Kung hindi na pag-ibig ang sa atin ay nagbubuklod
Hayaan mo ako na lumayo at tumalikod
Umiyak, sumigaw at magmukmok
Kaysa pigilan, amuin at bulungan ng pangako.

Kung hindi na pag-ibig ang nararamdaman
Huwag nang magkunwari at magmaangmaangan
Mabuti na magsabi at magpaalam
Kaysa ipilit na ako pa rin ang mahal.

Kung hindi pag-ibig ang dahilan ng paglapit
Kalimutan na ang mga salitang matatamis,
Mabubulaklak na pangako na nagpapangiti
Ngunit kasawian ang dulot sa huli.

Kung hindi pag-ibig ang sa atin ay nagbubuklod
Bumitaw na tayo bago pa mauntog
Masaktan, manghina at madurog
Kaysa sa hilaw na ligaya tayo malunod.
-Marvie-

1 komento:

  1. Kung hindi na at wala talagang pag-ibig, itigil na upang hindi na parehong masaktan ang isa't isa. ☹️

    TumugonBurahin

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me