Na-realize ko bilang nanay na mahalagang marunong tayong magluto. At dahil mahilig akong magluto (kuno)...aking ibabahagi ang mabilisang ulam na niluluto ko na bet na bet ng aking mga bagets.
Isa ito sa paborito nila na niluluto ko. Ito ang Chopsuey (kunwari)...pero ang totoo ginigisa ko lang ang mga sangkap. 😁
Narito ang mga sangkap:
Cauliflower |
Broccoli |
Carrots |
Young Corn |
Bell Pepper |
Sibuyas, bawang, baboy, paminta, oyster sauce kung meron pero kung wala ayos lang rin at broth cube
Pamamaraan:
- Lagi kong inuuna na pakuluan muna ang baboy na pansahog sa tubig at may konting asin.
- Kapag natuyo ito, saka lamang ako maglalagay ng mantika at hintayin maging brown ng konti ang baboy tapos set aside muna at saka igisa ang sibuyas at bawang kasunod ang bell pepper pagkatapos ay isasama na ang baboy.
- Pagkalipas ng mga 1 hanggang 2 minuto ilagay na lahat ng sangkap maliban sa broccoli na mabilis maluto. Lagyan ito ng asin, paminta broth cube at isang tasang tubig. Hintayin itong kumulo.
- Isunod na ilagay ang broccoli hayaan kumulo ng 1 hanggang 2 minuto at saka lagyan ng osyter sauce kung meron pero kung wala naman, tikman kung tama na ito sa inyong panlasa.
- Maari ring dagdagan pa ang tubig para may sabaw at hayaang manatiling kumukulo sa mahinang apoy ng mga 1 hanggang 2 minuto.
Iyon na, maari na ninyong pagsaluhan sa hapag.
Medyo mahal nga lang ang broccoli at cauliflower kaya minsan dalawa hanggang tatlong beses ko lamang itong lutuin sa loob ng isang buwan.
Nagawa n'yo rin ba ang ganitong pagluluto? Mabilisan pero bet na bet ng mga anak natin.
Nakaktuwa ring marinig na nasasarapan sila sa luto natin. (*^_^)
Walang komento: