Time out for In Time

Time out for In Time

 
"Time is gold."

Kasabihan na madalas isagot sa tanong na 'Anong motto mo?' Pero kung minsan hindi naman natin pinahahalagahan ang ibig sabihin nito. Siguro mag-iiba ang pagtingin ninyo sa kasabihang ito kung mapapanood ninyo ang pelikulang In Time.


Umikot ang pelikulang ito sa buhay ni Will Salas (Justin Timberlake) kung saan ang mga tao ay bumibili ng oras para mabuhay. Nasa future ang setting, year 2169. Panahon kung saan humihinto ang pagtanda ng mga tao kapag sila ay umedad ng 25 at nagsisimulang umandar ang kanilang oras na makikita sa kanilang braso. Kapag umabot sa zero ang kanilang oras sila ay mamamatay. 


Si Will Salas kasama ang kanyang ina na si Rachel Salas (Olivia Wilde) ay nagtratrabaho para madagdagan ang kanilang oras. Ito rin kasi ang pambayad sa pagsakay ng bus, pagbili ng pagkain at marami pang iba. Sa madaling salita ang oras sa kanilang braso ang nagsisilbi nilang pera. Sa Dayton sila nakatira kung saan ang mga tao ay nagtratrabaho para mabuhay pa sa susunod na araw. Samantala sa New Greenwich, lugar kung saan doon nakatira ang mga mayayaman sa oras ay nagkakaroon ng pagkakatong mabuhay ng mas matagal.


Nagbago ang takbo ng buhay ni Will nang makilala niya si Henry Hamilton (Matt Bomer) na mula sa New Greenwich at nakikihalubilo sa isang bar sa Dayton. Tinulungan niya itong makatakas sa mga nais kumuha ng kanyang oras pero sinabi nito na gusto na niyang mamatay. 

Sinagot naman ito ni Will na kung siya lang ay may ganoon karaming oras hindi n'ya ito aaksayahin pero wala siyang balak na nakawin ang oras ni Henry. Habang siya ay natutulog inilipat ni Henry ang kanyang 116 years at nagtira lamang ng limang minuto para makarating sa tulay at doon ay nag-suicide. Nag-iwan ito ng mensahe na ‘don’t waste my time.’

Sasagipin sana ito ni  Will ngunit nahulog na ito bago pa man siya makarating ng tulay. Kinagabihan, makikipagkita siya sa kanyang ina ngunit ilang minuto na lang ang natitirang oras dito kaya namatay ito bago pa man niya nabigyan ng oras.

Nagpasya siyang pumunta sa New Greenwich at doon ay nakilala niya si Phillipe Weis (Vincent Kartheiser) na natalo niya sa poker. Nakilala n'ya rin ang anak nito si Sylvia (Amanda Seyfried) at naanyayahan siya sa kasiyahang gagawin sa kanilang bahay. Ngunit sa gitna ng kasiyahan dumating ang mga pulis o mga Timekeeper sa pangunguna ni Timekeeper Raymond Leon (Cillian Murhpy).

Binawi nito ang oras na inakala nilang ninakaw ni Will at binigyan lamang siya ng dalawang oras ngunit nakatakas si Will at ginawa niyang bihag si Sylvia. Bumalik sila sa Dayton, humingi si Will ng ramson ngunit hindi nagbayad ang mga magulang ni Sylvia kaya’t nagdesisyon ito na pauwiin na ang babae.


Aarestuhin sana ni Timekeeper Leon si Will ngunit nabaril ito ni Sylvia sa balikat at nagpasya itong sumama na kay Will at tumulong sa mga mahihirap. Nagnanakaw sila ng mga oras at binibigay nila sa mga mahihirap.

Sa kabuuan, nais nitong bigyan diin ang kahalagahan ng oras sa buhay ng tao gayundin ang katayuan sa buhay ng mga tao. Ipinakita dito ang nagagawa ng kayamanan kung saan binibigyan tayo bilang mga manonood ng kaisipan na ang mga mayayaman lalong yumayaman habang marami ang namamatay sa kahirapan.

Maganda naman ang kabuuan ng pelikula, maayos namang nagampanan ng mga artista ang kanilang mga role. Maganda rin naman ang pinapaksa nito ngunit hindi ko masyadong nagustuhan ang katapusan. Nakakabitin pero nagbibigay ito ng realization na kailangan nating pahalagahan ang oras na mayroon tayo sa ngayon.

Ito ay mula sa panulat at direksyon ni Andrew Niccol at dinistribute ng 20th Century Fox at ni-release noong 2011.

(*^_^)


1 komento:

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me