"I went to the woods because I wanted to live deliberately, I wanted to live deep and suck out all the marrow of life, To put to rout all that was not life and not when I had come to die Discover that I had not lived."
Linya galing sa pelikulang Dead Poet Society. Isa ito sa masasabi kong inspiring film na napanood ko.
In some point in my life, this movie inspire me to inspire other people. At dahil National Teacher's Month ngayon (September 5 to October 5), gusto kong ibahagi ang pelikulang ito.
First of all, I love Professor John Keating played by Robin Williams. Umikot ang kuwento sa kanya at kung paano niya in-inspires ang kanyang mga mag-aaral sa Welton Academy. Bilang English professor, nahikayat niya ang kanyang mga tinuturuan na mahalin ang poetry at mabago ang kanilang buhay.
Maganda ang mga linyang ginamit sa pelikula na nakakapagpataas ng self-esteem lalo na ng mga estudyante. Natuwa ako sa paraan ng pagtuturo ni Keating...ang pagbibigay niya ng kahulugan sa nilalaman ng mga tula na kanilang pinag-aaralan.
Naging madamdamin lalo ang bahaging nagpakamatay si Neil Perry (Robert Sean Leonard) dahil sa kanyang ama na hindi siya binibigyanng kalayaang gawin ang gusto niya kaya ang tangi niyang naisip na paraan ay tapusin ang kanyang buhay. Ito rin ang dahilan kung bakit napatalsik si Prof. Keating. Siya ang sinisisi sa nangyari.
Isang tula ang inihandog ng mga estudyante kay Prof. Keating na pinangunahan ni Todd Anderson (Ethan Hawke) at ito ay 'O Captain, My Captain'. Ang bahagi ito ramdam ko ang emosyon ng mga mag-aaral. Isa ring katunayan na may naiwan siyang mahalagang aral sa mga ito.
Maganda ang daloy ng mga pangyayari kaya nga lang may mga part na parang boring para sa iba. But if you love poetry and want to be inspire, you must see this film. (*^_^)
*Ang mga larawan ay hango sa Pinterest.
Walang komento: