3 Idiots, care to be one?

3 Idiots, care to be one?

 


"But you be whatever your heart tells you to. And if he scares you too much. Keep a hand over your heart and say, "AAL IZZ WELL!" - Rancho.

Taong 2009 ng ma-release ang  3 Idiots sa India. Umikot ang pelikula sa tatlong magkakaibigan na si Farhan Qureshi (R. Madhavan), Raju Rastogi (Sharman Joshi) at Ranchhoddas ''Racho''  Shamaldas Chhanchad (Aamir Khan). Si Farhan ang nagkukuwento sa pelikula tungkol sa nangyari sa kanilang magkakaibigan noong unang taon nila sa Imperial College of Engineering (ICE) kung saan sila ang magkakasama sa isang silid hanggang sa huling taon nila sa ICE.



Gusto ni Farhan ang wildlife photography ngunit sinunod niya ang kagustuhan ng kanyang magulang kung kaya't napilitan siyang pumasok sa ICE. Maiangat ang pamilya sa kahirapan, ito naman ang dahilan ni Raju habang pagmamahal sa mga machines ang simpleng dahilan ni Rancho.















Ngunit hindi naging simple ang kanilang pamamalagi sa kolehiyo dahil sa College Dean na si Professor Viru 'Virus' Sahastrabuddhe (Boman Irani) samahan pa ng kanyang paboritong students na si Chatur 'Silencer' Ramalingan (Omi Vaidya) na mahilig magsaulo ng kanilang mga pinag-aaralan.


Madalas na mapalabas ng classroom  si Racho dahil sa hindi matanggap ng ilang mga professor ang mga dahilan at pananaw niya sa pag-aaral ngunit kahit ganoon siya pa rin ang nangunguna sa mga pagsusulit at sa ranking. 

Sa araw ng kanilang graduation, hindi na nila nakita si  Rancho. Lumipas ang 10 taon na walang balita si Farhan at Raju hanggang sa sila ay tawagan ni Chatur. Gusto nitong ipakita sa kanilang magkakaibigan kung gaano na siya kaunlad but end up loser dahil ang hinahanap niya na sikat na scientist na si Phunsukh Wangdu ay walang iba kundi si Rancho.


Nakadagdag ganda rin ang karakter ni Pia (Kareena Kapoor) na anak ni Prof. Viru na love interest ni Racho at ang kapatid nitong si Mona (Mona Singh).



I never thought na magugustuhan ko ang pelikulang ito at natutuwa akong ulit-ulitin itong panoorin mula simula hanggang wakas na hindi nababagot.

Maraming mga aral ang makukuha sa palabas na ito lalo na kung mag-aaral ang manonood. Entertaining at the same time it will open your mind to so many things. Pinatawa at pinaiyak ako ng palabas na ito at in-uplift ang spirits ko sa huli. 


Nagdalawang isip ako noon na panoorin ang 3 Idiots kahit marami ang nagsasabi na maganda raw ito. Kaya naman pinanood ko na rin kahit may doubt sa isip ko. Una, ini-expect ko na parang bastos ang ilang eksena...pero maling-mali pala ako.

After watching this movie, pakiramdam ko magiging isa akong idiot kung di ko pinanood ang pelikulang ito. haha :))

I really love this movie at bagay na bagay itong ipapanood sa mga kabataan para pahalagahan nila ang kanilang pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap. (*^_^)


Credits:

http://www.thenational.ae/deployedfiles/Assets/Richmedia/Image/SaxoPress/AD20120522956876-A_scene_from_th.jpg

http://www.isysportal.com/images/photoalbum/photoalbum23/Isys-HotMasala2-chatur%203%20idiots%20speech%20scene451.jpg

http://mimg.sulekha.com/hindi/3-idiots/stills/3-idiots-new-stills-09.jpg

http://www.bollyupdates.com/wp-content/uploads/2009/10/kareena-3-idiots-posters-bollyupdatescom-01.jpg

http://www.talkmovie.net/wp-content/uploads/2011/02/3-idiots6.jpg



Walang komento:

×

Translate

Pageview

Latest Posts

Tagasubaybay

Follow me